[UPDATED] Pansamantalang nakikituloy sa kanilang kaanak ang pamilya ni Alona Asilum-Tesorio ng Purok Silangan 2 sa Barangay Tagburos matapos na wasakin ng ipoipo ang kanilang bahay at tangayin ang kanilang bubong Biyernes nghapon, November 18.

Ayon kay Tesorio, kasagsagan ng malakas na ulan at hangin nang madaanan ng ipoipo ang kanilang bahay at liparin ang kanilang bubong.

Laking pasasalamat naman nito na wala sa kanilang bahay ang kanilang mga anak nang mangyari ang insidente.

“Mga 5:30 po ng hapon sinabayan ng malakas na ulan at hangin,” kwento ni Tesoro

“Bahay lng po namin ang natamaan. Nasa kusina kaming mag-asawa, nagluluto ng ulam panghapunan. Wala mga anak namin, nasa school pa ang isa. Kaaalis lang ng isa kong anak ng mangyari ang pagtanggal sa aming bubong,” dagdag nito.

About Post Author

Previous articleRain to persist across the country this weekend
Next articleStringent security measures in place for VP Harris’ Palawan visit
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.