Larawan mula sa MIO
- Advertisement by Google -

BROOKE’S POINT, Palawan — Ipinag utos ni Mayor Cesareo Benedito Jr. ang agarang pag-aasikaso ng mga kinakailangang dokumento at mga requirements upang magkaroon ng kakayanan ang munisipyo ng Brooke’s Point na mag issue ng police clearance.

Naganap ito matapos ang pagkikipag-usap ni Mayor Benedito at ni Acting Chief of Police ng bayan ng Brooke’s Point na si P/Maj. Raffy Cahayag Esperida.

Sa kasalukuyan sa Palawan, dalawang lugar lamang ang maaaring pagkunan ng police clearance, at ito ay sa Puerto Princesa city at munisipyo ng Bataraza.

Nakahanda umanong makipagtulungan ang lokal na pamahalaan upang muling maibalik sa bayan ang centro ng pagkukuhanan ng mga importanteng dokumento sa police station nito.

- Advertisement -

“Nakahanda ang suport ng LGU para mapabilis na macomply ang mga kinakailangan para hindi na mahirapan ang mamayan” ayon kay Benedito.

“Malaki ang maasahan ng taong bayan, dahil kapag magkasundo at nagtutilungan ang mga namumuno sa bayan malaki ang potensiyal nito sa pag-unlad” ayon kay PMAJ Raffy Cahayag Esperida.

Marahil umano ay naging basehan nito ang laki at lawak ng nasasakupan, gayon din ang mga bagay na dapat na icomply katulad ng computer w/ special specs, Biometrics, sulat para sa COP at request ng LGU sa Camp Crame para sa training ng lokal pulis for issuance ng Police Clearance.

“Ang nagdesisyon na ilagay sa Puerto Princesa City at Bataraza ay ang higher office. Di ko rin alam ang dahilan, maybe dahil sa laki at lawak ng area and also or baka strategic position din na nakapalibot yong iba pang lugar,” ayon kay Esperida.

“Magkakaroon naman ang lahat ng PNP pero baka medyo matatagalan dahil sa mga requirments at medyo may kamahalan ang mga gamit”- dagdag pa niya.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDOST-PCAARRD: 7 Palawan freshwater prawns prospective aquaculture broodstock sources
Next articlePETA advises betta breeders in Palawan to shift to industries that do not exploit fish
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.