Larawan mula sa MIO
- Advertisement by Google -

BROOKE’S POINT, Palawan — Ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point ang P60-million supplemental budget ng munisipyo para sa taong 2022 sa isang special session na isinagawa noong July 7, 2022.

Ang karagdagang budget ay naglalayong pondohan ang mga mahahalagang proyekto ng lokal na pamahalaan sa larangan ng imprastraktura, edukasyon, at iba pa.

Ayon kay Mayor Cesario Benedito Jr., malaki ang inilaan nila para sa education program dahil sa napakaraming kabataang aplikante ang nangangailangan ng financial assistance mula Grade 11, 12, at hanggang 4th year college.

“Nilaanan natin ng malaking pondo ang education program dahil sa dami ng kabataang nangangailangan ng financial assistance kasama na dito ang mga IP’s,” ayon kay Mayor Benedito.

- Advertisement -

Nilaanan din ng pondo ang pagpaaayos ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan dahil depektibo na ang mga ito. Plano rin aniya nila na bumili ng mga heavy equipment na gagamitin sa pagpapatuloy at pagsasaayos ng mga natinggang proyekto katulad ng mga daan o farm-to-market road mula sa 18 barangay ng bayan.

“Sa ngayon ay pinapahiram lang tayo ng pamahalaang panlalawigan ng heavy equipment at anytime ay pupuwede nila itong kunin. Maraming mga kababayan natin ang nangangailangan nito lalo na sa pagsasaayos ng mga daan sa 18 barangay ng ating bayan,” ayon pa kay Benedito.

Bahagi ng pondo ay para sa sahod ng mga casual na empleyado ng lokal na pamahalaan, gayon din ang pagsasaayos ng plaza, at renovation ng Convention Center.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePDEA sa MIMAROPA, may skills program para sa mga PWUDs
Next articleRoe vs Wade and abortion debate in the Philippines
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.