(File photo)

Isinailalim sa isang buwang state of calamity kahapon ang bayan ng Brooke’s Point matapos ilubog ng walang tigil na ulan dahil sa epekto ng shear line ang ilang barangay nito.

Ang deklarasyon ay isinagawa noong December 27 sa tanggapan mismo ni Mayor Cesareo Benedicto dahil sa pitong barangay na ng munisipyo ay apektado ng labis na pagbaha dulot ng shear line, o ang weather system kung saan ang malamig at mainit na hangin ay nagsasama.

Ang mga apektadong barangay at Aribungos, Barongbarong, Mambalot, Malis, Pangobilian, Saraza, at Tubtub.

Ayon sa datos na nakalap ng Palawan News, umabot sa 1,550 ang apektadong pamilya dahil sa kalamidad. Sa kabuuang bilang, 753 ang nadala sa evacuation center at ang iba ay nanatili lamang sa kanilang bahay.

Mayroong ring 16 pamilyang nawalan ng bahay, mga alagang hayop na namatay, at sakahang nasira dulot ng pananalanta ng rumaragasang tubig baha.

“16 households ang nasira at nawalan ng tahanan, karamihan sa kanila ay pawang nakatira sa coastal area,” ayon kay Nelia Basadre ng Municipal Social Welfare and Development Office (MDRRMO) ng Brooke’s Point.

Sa ngayon ay patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta.

About Post Author

Previous articleOver 1,000 families in Palawan affected by flooding
Next articleOver 235 hectares of rice farms affected by flooding in Southern Palawan
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.