An indigenous community from Brooke’s Point is seeking the intervention of the UN Permanent Forum on Indigenous Issues and the Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples over the controversies surrounding the mining operations of Ipilan Nickel Corporation that they are opposing.
The group claimed that the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) has mishandled their complaint about the alleged exploitation of their ancestral land by the mining company.
In a statement, the Palaw’an cultural community and Mga Kalebonan Et Bicamm claimed that Ipilan Nickel’s operations have posed threats to their culture and livelihood, and the NCIP has turned a deaf ear on the matter despite several attempts to get in touch with its chairperson, Allen Capuyan.
“Inimbitahan po namin si chairperson Capuyan sa aming komunidad upang magbigay paliwanag sa mga usapin na may kinalaman sa aming lupaing ninuno, sa kasawiang palad, ay hindi nya kami binigyan ng panahon (We invited chairperson [Allan] Capuyan to our community to provide an explanation on issues related to our ancestral land, but unfortunately, he did not give us the time),” said Panglima Nelson Sombra of the Pala’wan indigenous community of Brooke’s Point.
They said they have been inviting Capuyan to a face-to-face dialogue where the chairperson is given preference at his convenience since early this year.
Among the issues the indigenous community wanted to discuss was the alleged exploitation of their land by Ipilan Nickel.
Sombra claimed that Ipilan Nickel has put up a fence and exploited the land and forest within their ancestral domain, which they consider sacred and hunting grounds.
“They continuously benefit while they abuse the resources, resulting in the destruction of the ancestral domain reaching a status that the Palaw’an Cultural Community and MKE-BICAMM do not envision,” they said in a statement.
“As the indigenous peoples and their indigenous culture are closely knit with their ancestral domain, the loss of the domain means the loss of the Pala’wan Cultural Community,” they added.
The group also decried the failure of the NCIP to keep them abreast and provide assistance on the processes required by law in line with their ancestral domain.
The IP group said given the fast pace of the events and their lack of skills, capabilities, and knowledge, they could not cope with the imposed schedules of the so-called FBI (Field-Based Investigation) process and FPIC (Free and Prior Informed Consent) process. Something that they have already informed Capuyan about along with their grievances, including not having copies of any reports that they are supposed to validate in meetings or assemblies and other issues on their previous letters.
“Binigo kami ng NCIP (NCIP failed us),” IP woman Nelsita Siyang said.
“Capuyan failed to positively perform his duty to serve the concerned indigenous cultural community, despite having been duly invited to discuss matters conveyed to him in writing,” they added.
BASAHIN SA WIKANG PILIPINO
Tulong ng UN, hiniling ng mga katutubo sa Brooke’s Point upang pigilan ang pagmimina sa kanilang lupaing ninuno
Humihiling ang isang katutubong komunidad sa Brooke’s Point ng tulong sa UN Permanent Forum on Indigenous Issues at sa Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples dahil sa mga kontrobersiya na may kaugnayan sa pagmimina ng Ipilan Nickel Corporation na kanilang tinututulan.
Ayon sa pahayag ng grupo, hindi maayos na tinugunan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang kanilang reklamo tungkol sa alegasyon ng pang-aabuso ng mining company sa kanilang lupaing ninuno.
Sa isang pahayag, sinabi ng Palaw’an cultural community at Mga Kalebonan Et Bicamm na nakapanganib sa kanilang kultura at kabuhayan ang operasyon ng Ipilan Nickel, at hindi ito pinapansin ng NCIP kahit ilang beses na silang nagpakipag-ugnayan sa kanilang chairperson na si Allen Capuyan.
“Inimbitahan po namin si chairperson Capuyan sa aming komunidad upang magbigay paliwanag sa mga usapin na may kinalaman sa aming lupaing ninuno, sa kasawiang palad, ay hindi nya kami binigyan ng panahon,” sabi ni panglima Nelson Sombra ng Palaw’an indigenous community ng Brooke’s Point.
Ayon sa kanila, matagal na nilang inimbitahan si Capuyan sa isang harapang pag-uusap, at payag sila kung kailan siya puwede at kung anong oras ang pagpupulong, mula pa noong unang bahagi ng taon.
Isa sa mga usapin na gustong talakayin ng katutubong komunidad ay ang alegasyon ng pang-aabuso sa kanilang lupa ng Ipilan Nickel.
Sinabi ni Sombra na nagtayo ang Ipilan Nickel ng pader at nagpapayaman sa lupain at kagubatan sa kanilang lupaing ninuno, na itinuturing nilang sagrado at lugar ng pangangaso.
“They continuously benefit while they abuse the resources, resulting in the destruction of the ancestral domain reaching a status that the Palaw’an Cultural Community and MKE-BICAMM do not envision,” sabi nila sa kanilang pahayag.
“Dahil malapit na kaugnay ng mga katutubo at ng kanilang kultura sa kanilang lupaing ninuno, ang pagkawala ng lupaing ninuno ay nangangahulugan ng pagkawala ng Palaw’an Cultural Community,” dagdag nila.
Sinisi rin ng grupo ang pagkabigo ng NCIP na ipaalam sa kanila at magbigay ng tulong sa mga proseso na kinakailangan, ayon sa batas, para sa kanilang lupaing ninuno.
Ipinahayag pa ng grupo ng mga katutubo na dahil sa bilis ng mga pangyayari at kakulangan nila sa kakayahan, kakayahang teknikal, at kaalaman, hindi nila kayang mag-comply sa itinakdang oras ng FBI (Field-Based Investigation) process at FPIC (Free and Prior Informed Consent) process. Ito ay isang bagay na kanilang ipinaalam na kay Capuyan kasama ng kanilang mga hinaing, kasama na rin ang hindi pagkakaroon nila ng mga kopya ng anumang report na dapat nilang patunayan sa mga pagpupulong o asembleya at iba pang isyu sa kanilang nakaraang mga sulat.
“Binigo kami ng NCIP,” ayon kay Nelsita Siyang, isang katutubo.
“Si Capuyan ay nabigo na magampanan ang kanyang tungkulin upang maglingkod sa mga katutubo, sa kabila ng pagkakaroon ng tama at nakasulat na imbitasyon upang talakayin ang mga usaping aming ipinahayag sa kanya,” dagdag pa nila.