- Advertisement by Google -

Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng maparalisa ng COVID-19 ang mga social gathering, kabilang na ang pagdiriwang ng nutrition month, ay muling ipinagdiwang ngayon ng bayan ng Brooke’s Point ang Nutrition Month na may temang ” New Normal Na Nutrisyon, Sama-samang gawan ng Solusyon”.

Ngayong araw July 25, 2022, ay sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng nutri cooking contest sa pagluluto ng healthy snacks (finger food) na kung saan ay bibigyan ng tig tatlong oras na preparasyon sa pagluto at kailangang kakasya sa 20-25 katao.

Apat ang dapat na miyembro sa isang grupong kalahok, at alas otso pa lamang ay dapat na nasa kani-kaniyang puwesto na ang mga partisipante sa Octagon Plaza ng bayan.

Ilan din sa nakatala sa mga mechanics ay ang pananatiling malinis ng kanikanilang area, naka decorate ang mga mesang paghahainan, at nakasuot ng tamang bihis sa pagluluto ang mga mga kalahok.

- Advertisement -

Tatanggap ng P10,000 ang itatanghal ng kampeon, P7,000 and second prize, at P5,000 naman ang third prize. Nasa P2,000 naman ang consolation prize.

Iaanunsiyo naman ang mga mapapalad na mananalo sa July 29, ganap na ika-siyam ng umaga sa grand celebration ng Nutrition Month.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePolisiyang pang agrikultura, gustong marinig mula kay BBM sa kanyang 1st SONA
Next articleWorld Junior Art Festival Painting Competition for Palaweños this coming September
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.