Si J/SSupt Maria Irene Esquinas, Regional Director ng BPDJ habang nagbibigay ng kaniyang mensahe noong Agosto 24. (Larawan mula sa BPDJ)

Pinapurihan ni J/SSupt Maria Irene Esquinas, Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology ang mga ginawang improvement sa pasilidad at administrasyon ng Brooke’s Point District Jail (BPDJ) nang siya ay bumisita doon noong araw ng Martes, August 24.

Ang pagbisita ni Esquinas sa BPJD ay may kaugnayan sa pagsasagawa ng BJMP ng Annual General Inspection (AGI) sa lahat ng mga district jail sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

Sa kaniyang mensahe sa isinagawang programa, pinuri ni Esquinas ang malaking pagbabago sa mga pasilidad, ang dedikasyon ni BPDJ warden J/SInsp. Darwin Montilla sa pangangalaga sa kalusugan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at ang “humble and strong partnership” ng pamunuan ng BPDJ sa mga Local Government Units (LGU) at iba pang ahensya ng gobyerno maging ang mga community service na isinasagawa ng mga tauhan ng BPDJ.

“Personally, I am overwhelmed with the evident progress of BPDJ considering its humble beginnings in its former facility at Balacan, Pangobilian. I am very happy and proud of the accomplishments of BPDJ personnel led by J/SInsp. Montilla,” pahayag ni Esquinas sa kanyang mensahe.

Sa panayam naman kay JO1 May Rose Rosel, tagapagsalita ng BPDJ, ang commendation ni Esquinas ay isang challenge para sa kanila na ipagpatuloy ang mga magandang ginagawa ng BPDJ at ang pagpapatuloy nito na mabigyan pa rin ng magandang kalusugan ang kanilang mga PDLs.

Ayon pa kay Rosel, ilan sa nabanggit na malaking pagbabago ayon kay Esquinas ang bagong pasilidad ng BPDJ na binuksan noong buwan ng Abril na may malawak at malaking mga dormitoryo para sa mga PDLs, at ang bagong administrative building.

“Sa ilalim ni Warden Montilla, tuloy-tuloy po ang hangarin ng BPDJ na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga PDLs at (magkaroon ng) strong partnership sa LGU at sa ating komunidad,.iIang malaking bagay po ang papuring ito sa amin, sa aming mga pagbabago,” paliwanag ni Rosel.

About Post Author

Previous articleFilipino English teacher receives scholarship from Harvard University, cites EducationUSA assistance
Next articleEleazar orders early security preparations for 2022 polls
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.