Sep 29, 2020

Brgy. Tudela sa bayan ng Araceli, may kuryente na

Ang nasabing planta ay magkatuwang na proyekto ng National Power Corporation (NAPOCOR) at ng Energy Development Program ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

Pinangunahan nina Araceli Mayor Noel A. Beronio (kanan) at Tudela punong barangay Delfin Gadiano (kaliwa) ang switch-on ceremony ng Calandagan Diesel Power Plant kamakailan. // Larawan mula sa munisipyo ng Araceli

 

May serbisyo na ng kuryente ang Barangay Tudela sa bayan ng Araceli matapos ang inagurasyon at ceremonial switch-on ng Calandagan Diesel Power Plant dito kamakailan.

Ang nasabing planta ay magkatuwang na proyekto ng National Power Corporation (NAPOCOR) at ng Energy Development Program ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

Pagkatapos ng inagurasyon ay agad ding nai-turn over sa pamamahala ng munisipyo ng Araceli at ng Tudela ang diesel power plant.

Sa pangunguna nina Engr. Ricardo D. Rodriguez, executive assistant ng Energy Development Program at ni Engr. Frederick B. Barrios ay pormal na nai-turn over ito kina Araceli Mayor Noel A. Beronio at Tudale barangay chairman Delfin Gadiano.

Ang Calandagan Diesel Power Plant ay makapagbibigay ng walong oras na daloy ng kuryente sa mga residente ng Tudela mula 3:00 p.m. hanggang 11:00 p.m. Malaking tulong ito sa mga residente ng nasabing barangay lalo’t higit sa mga estudyante at guro para sa kanilang online classes.

Ang Tudela na dating Brgy. Calandagan ay isa lamang sa 13 barangays ng islang munisipyo ng Araceli na mayroong kabuuang populasyon na 2,429 ayon sa 2015 Census of Population ng Philippine Statistics Authority. (PIA-MIMAROPA)

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry