Magkakaroon na ng internet access ang mga residente ng Barangay Malaking Patag at ilang karatig barangay nito sa bayan ng Culion sa darating na buwan ng Setyembre, kung saan inaasahang makukumleto na ang itinatayong cell site ng Smart Telecommunications sa Sitio Matalbong.

Ang pagtatayo ng cell site ay magkatuwang na itinaguyod ng pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Maria Virgina De Vera at ng pamahalaang panlalawigan, matapos na makipag-ugnayan si de Vera sa Huawie Technologies Philippines Incorporated para magkaroon ng signal ng internet sa nabanggit na barangay.

Ayon kay De Vera, ito ay isang kagustuhan ng pamahalaang lokal na mabigyan ng magandang signal ang lugar na ito para sa mga guro at mga estudyanteng sumasailalim sa distance at flexible learning scheme.

Aniya, malagang magkaroon ng signal ang Malaking Patag upang hindi na kailangang pumunta ng mga estudyante, mga guro at iba ang residente sa mataas na bahagi ng kanilang barangay na umaasa lamang na makasagap ng signal na nagmumula pa sa poblacion.

- Advertisement -

“Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bayan ay ang kawalan ng maayos na linya para sa komunikasyon at internet lalo na ang mga malalayong lugar. Mahalagang magkaroon ng internet access na mamagamit sa araw-araw, lalo na ang mga estudyante, ngayong may pandemya,” pahayag ni De Vera.

Dagdag niya, malaki ang magagawa ng pagkakaroon ng internet access ngayon sa buong bahagi ng Culion upang makasabay ang kaniyang mga kababayan sa mga impormasyon na dapat malaman lalong-lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya ang buong bansa.

Previous articleTubbataha park manager turns over southeast Asian box turtle to PCSD
Next articleDuterte slams some senators’ ‘posturing’ over use of public funds
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.