File photo

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Ang mababang bilang ng Locally Stranded Individual (LSI) na umuwi ang isang nakikitang dahilan ng Municipal Health Office (MHO) kaya hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling walang naitalang kaso ng COVID-19 sa Barangay Isumbo.

Base sa consolidated report ng MHO at Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) noong araw ng Martes, Agosto 31, simula nang magkaroon ng pandemya at magdeklara ng quarantine restrictions sa bansa, Marso noong nagdaang taon, ang Brgy. Isumbo ang nag-iisa sa siyam na barangay ng bayan na ‘zero COVID case.’

Ayon kay Dr. Rhodora Tingson, Municipal Health Officer ng bayan, simula nang payagan ng pamahalaan ang pag-uwi at pagtanggap ng mga LSIs at iba pa, mula sa ibang panig ng bansa ay mababa ang bilang ng LSI arrival sa barangay

“Posibleng ang mababang arrival ng LSIs kaya until now zero COVID cases sila. Unlike sa ibang barangay natin, minsan, hindi naman natin hinihingi na magkaroon ng [local] transmission kaya may mataas na record,” pahayag ni ni Tingson.

- Advertisement -

Dagdag niya, bagama’t walang naitatalang kaso ang Isumbo ay nakasalalay pa rin sa komunidad ang pag-iingat upang hindi makapasok sa kanila ang COVID-19.

Sa kabuuan, ang bayang ito ay nakapagtala ng 228 kaso ng COVID-19 kung saan, 114 dito ang RT-PCR confirmed at 114 din ang antigen test reactive.

Sa bilang na ito, ang Brgy. Pulot Center ang may pinakamataas na naitalang kaso na umabot sa 147.

Lima naman ang naitalang nasawi sa bayan dahil sa virus na nagmula sa mga barangay ng Pulot Center na may isa; Pulot Shore, tatlo; at Punang, isa.

Samantala, sa huling bulletin ng MIATF noong Agosto 29, ang bayan ay mayroon pang 30 aktibong kaso ng COVID-19. Dalawa rito ay RT-PCR confirmed at 28 antigen naman ang reactive cases.

Previous articleBill filed to elevate barangay health workers from volunteer to gov’t workers
Next articleThree concrete roads turned over by DPWH, Rep. Acosta’s office to Brgy. Mandaragat
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.