BREAKING (Updated): Chinese female tourist, patay matapos malunod sa Nacpan Beach


Isang babaeng turistang Chinese ang namatay matapos malunod habang diumano ay naliligo sa Nacpan Beach sa bayan ng El Nido ngayon hapon, ika-9 ng Agosto.

Kinilala ng El Nido Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni Senior Insp. Thirz Starky Timbancaya ang drowning victim na si Sun Xuiyan, 48 anyos, isang nutritionist, at residente ng Chongqing, China. Guest siya ng Just Inn pension na nasa Barangay Maligaya sa natura din na bayan.

Tinatayang nalunod si Sun sa pagitan ng 11 a.m. at 12 p.m. sa Nacpan Beach, Sityo Calitang, Barangay Bucana.

Ayon kay Raymund Osorio, ang pinuno ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa El Nido, sinubukan nilang i-revive si Sun matapos matanggap ang report mula sa kanilang volunteer sa Nacpan Beach, pero nasawi pa rin ito.

“Sa kasamaang palad ay namatay na itong female tourist sa Nacpan Beach habang naliligo. Sinubukan namin siyang i-revive pero no sign of life na talaga. Pagkatapos i-report sa amin within 14 minutes naka-responde kami doon, at nilapatan siya ng pangunahing lunas at lahat na pero talagang wala na,” sabi ni Osorio sa panayam ng Palawan News.

Sinabi rin ni Osorio na hindi naman malakas ang alon sa Nacpan Beach ng maganap ang aksidente. Iniuugnay na sa embahada ng China sa bansa ang pangyayari.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...