Nakatakdang magsagawa ng mobile business one-stop shop (Mobile-BOSS) sa buwan ng Enero kung saan, tutungo sa mga barangay ang BPLO kasama ang iba pang ahensya upang mapabilis at matulungan ang mga business owners sa kanilang aplikasyon. (Larawan mula kay Fred Odronia)
- Advertisement by Google -

SAN VICENTE, Palawan – Nagsimula nang maghanda ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng pamahalaang bayan ng San Vicente para sa pagsisimula ng pag-issue ng Provisional Mayor’s Permit sa mga business establishment sa susunod na taon.

Ayon sa BPLO, ang naturang mayor’s permit ay may bisang 60 araw at epektibo simula sa Enero 1 hanggang Marso 1, 2022.

Ang nasabing permit ay may layuning magtuloy-tuloy ang operasyon ng mga negosyo sa susunod na taon habang pino-proseso ng mga may-ari ng negosyo ang kanilang renewal ng kanilang business permit.

(Larawan mula kay Fred Odronia)

“Ito ay para sa mga nag-process ngayong 2021 na nakakuha ng mayor’s permit. ‘Yung Provisional Mayor’s Permit na ginawa namin ay ipamimigay sa mga barangay at ang mga barangay ang siya namang mag-aabot doon sa mga may-ari,” pahayag ni Rexel A Rosauro, licensing officer ng BPLO.

- Advertisement -

Dagdag niya, ipadadala sa mga barangay sa susunod na linggo ang mga iniimprentang provisional mayor’s permit.

Hinihikayat din ni Rosauro ang lahat ng business owners na maagang magbayad ng kanilang business tax, fees o charges upang maiwasan ang penalty o interest.

“Kahit na mayroon silang provisional permit, sana bago mag January 20 ay nabayaran na ang business tax. Kahit late na ang pag-process ng mayor’s permit. Pero dapat din bago mag March 1 naka-process na sila ng mayor’s permit,” paliwanag niya.

Nakatakda ring magsagawa ng mobile business one-stop shop (Mobile-BOSS) sa buwan ng Enero kung saan, tutungo sa mga barangay ang BPLO kasama ang iba pang ahensya upang mapabilis at matulungan ang mga business owners sa kanilang aplikasyon.

Patuloy din ang pagtanggap ng mga transaksyon sa opisina ng BOSS kung saan maaaring magproseso ng mga dokumento mula sa mga partner agencies tulad ng Department of Trade and Industry, Social Security System, PAG-IBIG, PhilHealth at iba pa.

Samantala, ibinahagi rin ng BPLO ang pagtaas ng kanilang koleksyon ngayong taon. Sa kanilang pinakahuling tala noong Setyembre 30 ay may kabuuang P7,219,063.09 ang nakolektang tax, fees and charges na mas mataas sa P5,110,583.27 na koleksyon noong taong 2020.

Sinisikap din ng BPLO na mairehistro ang lahat ng mga business establishments sa munisipyo. Sa kasalukuyan ay mayroong 1452 mga negosyo ang nakarehistro at may permit mula sa lokal na pamahalaan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePilot, crew of small plane transporting live fish survive crash off the coast of El Nido
Next articleNIA to focus on bigger irrigation projects after devolution of CIS to LGUs
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.