(File photo)

(TRIGGER WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Tatlong tao ang dawit sa kasong panggagahasa at pagpatay sa 19 taong gulang na si Beverly Kadigi Ampan matapos na lumutang ang isang witness kahapon, October 19.

Base sa sinumpaang salaysay ng witness, kabilang sa tatlo ay ang sinasabing kasintahan ng biktima at dalawa pang kaibigan nito.

Agad ding sinampahan ng kasong rape with homicide ang tatlo sa Puerto Princesa City Prosecutors Office kahapon.

Matatandaang, Enero 23 ng taong kasalukuyan nang natagpuang wala ng buhay si Ampan sa gilid ng kalsada sa Purok Pagkakaisa sa Barangay Sta. Monica.

Base sa autopsy report na ibinahagi noon ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), positibong ginahasa ang biktima dahil sa mga laceration o sugat sa pribadong parte ng katawan nito. Nagkaroon din ng internal hemorrage sa ulo si Ampan na maaring dahilan ng pagkauntog nito o paghampas ng matigas na bagay.

About Post Author

Previous article16,376 displaced Palaweño workers, to benefit from TUPAD
Next article2 female rebels surrender to Puerto Princesa PNP
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.