February 26, 2021 |

Blood letting sa Sofronio Española isinagawa ng Red Cross, MHO

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Umabot sa 102 bags ng dugo ang nakolekta ng Philippine Red Cross (PRC) sa Palawan katuwang ang Municipal Health Office (MHO) ng bayang ito sa isinagawang blood-letting activity noong Martes, Pebrero 2.

Ang aktibidad ay isinagawa kaugnay ng adbokasiya ng Red Cross sa ilalim ng programa nitong “Dugo Mo, Buhay Ko”.

Kabilang sa mga naging mga blood donors ang mga kawani ng local government unit (LGU), tauhan ng Sofronio Española police station, mga guro mula sa Department Of Education (DepEd), Philippine Marines, empleyado ng mga barangay, at ilang pribadong indibidwal.

Sa panayam ng Palawan News sa MHO officer na si Dr. Rhodora Tingson, sinabi nitong malaking tulong ang naging willingness ng bawat isa na lumahok sa blood letting activity upang makadugtong ng buhay sa mga nangangailangan nito.

“Voluntary ang pag-donate nila, mga frequent donors na din natin sila,pasado naman sila sa physical assessment natin prior to extraction ng blood para dito,” pahayag ni Tingson.

Ayon pa kay Dr. Tingson patuloy silang makikipag-ugnayan sa Red Cross upang magsagawa muli ng kaparehong gawain sa mga susunod na pagkakataon upang marami pang matulungang pasyenteng nangangailangan sa mga pribado at pampublikong hospital sa lalawigan.

 

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry