Larawan mula sa Narra Municipal Hospital.

 

NARRA, Palawan – Nakalikom ng humigit kumulang 65 bags na mga blood donated ang Narra Municipal Hospital (NMH) sa isinagawa nilang blood letting activity noong August 26 sa pakikipagtulungan ng local government ng Narra at ng Red Cross Palawan.

Sa panayam ng Palawan News kay Maria Josue, ang hospital chief ng NMH, layon nitong makatulong na madagdagan ang bilang ng mga dugo na kailangan sa lalawigan ng Palawan.

“Layunin nating madugtungan ang buhay ng mga Palaweño na may sakit, ginagawa natin ito dahil mahalaga ang pagdudugtong ng buhay sa pagbibigay ng dugo sa nangangailangan na mga pasyente dito sa Palawan, nagpasalamat tayo sa lahat ng nagdonate para sa ating advocacy na magkaroon ng sapat na availability sa dugo ang probinsya,”sabi ni Josue.

Nakibahagi sa blood donation ng kanilang mga mahahalagang dugo ang mga empleyado ng LGU, DPWH Narra, mga empleyado ng BJMP Narra, BFP Narra, mga marines mula sa Marine Battalion Landing Team 4, PCG Narra at mga ilang estudyante ng Palawan State University Narra.

“May mga blood tayo na type A, type B, type O at type AB at lahat ng iyon ay ipo-process ng Red Cross para maisailalim sa screening ang mga dugo at makakadagdag sa mga blood station ng iba’t ibang mga hospital sa Palawan, kasama na sa mabibigyan doon ang ating hospital dito sa Narra,” dagdag niya.

 

About Post Author

Previous articleEl Nido inaugurates first 50-bed hospital
Next articleOpisyal ng minahan, sugatan sa pamamaril
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.