Magsasagawa ng blood donation drive ang pamilya ni dating Palawan governor Salvador “Badong” Socrates kasabay ng paggunita ng ika-89 na kaarawan nito sa Marso 13.

Ito ay idaraos sa ikalawang palapag ng SM City Mall na magsisimula alas dyes (10 a.m.) ng umaga hanggang alas kwatro (4 p.m.) ng hapon. Pangungunahan ito ng mga anak ng dating gobernador na sina vice mayor Nancy Socrates at vice governor Dennis Socrates.

Ang gawain ay may temang “Dugong Bigay, Dugtong Buhay” na pangangasiwaan ng Philippine Red Cross (PRC)-Palawan Chapter, Puerto Princesa City Health Office (CHO), katuwang ang SM City.

Sa Facebook post ni vice mayor Socrates, bunsong anak ni Badong, layon nang gawain na mapunan ang kakapusan ng suplay ng dugo sa blood bank ng PRC-Palawan Chapter na siyang nagkakaloob araw araw sa mga taga lungsod at lalawigan ng Palawan sa kanilang pangangailangan, lalo na sa panahon ng epidemya at paglaganap ng mga sakit.

- Advertisement -

Samantala, ipinaabot naman ni vice governor Socrates ang paanyaya sa mga Palawenyo na makilahok sa blood donation na maaaring makadugtong sa buhay ng mga pasyenteng nangangailangan nito sa araw araw.

Previous articleUSAID rolls out climate change grant facility for Philippine cities
Next articleTourism department hopes for full PH reopening to foreign tourists by April