BROOKE’S POINT, Palawan — Namahagi ng organikong gulay ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayang ito sa pamilya ng mga persons deprived of liberty (PDL) noong araw ng Sabado, Mayo 1.
Ang pamamahagi ng gulay sa pamamagitan ng “Organic Garden turned green pantry for PDL family” ay isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng BJMP ng Labor Day celebration, at bilang suporta na rin sa bayanihan ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay J/Insp. Darwin I. Montilla, district warden ng BJMP sa Brooke’s Point, ang aktibidad ay isang special project ng BJMP response team personnel.
Ito umano ay paraan din nila upang hikayating kumain at magtanim ng masustansyang gulay ang mga benepisyaryo upang magkaroon ng karagdagang kabuhayan na siya ring magiging daan upang makatulong sa pagpapanatili ng luntian na kapaligiran.
Libreng mamitas ang mga pamilya ng PDL na kung saan ay babayaran naman ng warden ang bawat mapipitas na gulay na sapat sa dalawang kainan. Nagsilbing fundraising kung saan ang nakolektang pera ay gagamitig pambili ng gamot at iba pang pangangailangan ng mga PDL.
“The beneficiaries were allowed to personally harvest kamote tops, sitaw, pechay, mustasa, and pepper enough for their 1 to 2 meals,” pahayag ni JO1 May Rose M. Rosel ng BJMP-Brooke’s Point.
“The amount [collected] will be appropriated to purchase additional medicines, toiletries, cleaning materials, and other PDL expenditures. This program supports the Bayanihan drive during this pandemic and at the same time encourages its beneficiaries to eat healthy, plant, and cultivate for additional sources of daily sustenance, and help rehabilitate our environment,” dagdag niya.



