Biyahe ng eroplano sa Marinduque maaaring magsimula sa Marso 2019

Posibleng magsimula na sa Marso 2019 ang biyahe ng eroplano ng Cebu Pacific sa Marinduque bago sumapit ang Mahal na Araw. (Larawan mula kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco)


Maaari nang magsimulang bumiyahe biyahe ang mga eroplao ng Cebu Pacific sa Marinduque sa Marso 2019.

Ito ay matapos ihayag ni Cebu Pacific President Lance Gokongwei sa isang pagpupulong kasama si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na pwede nang umpisahan ang operasyon sa susunod na taon.

Ayon kay Velasco, mas pinili nila na simulan ang biyahe bago o sa mismong araw ng Marso 31, 2019 dahil dito kadalasan nagsisismula ang araw ng bakasyon.

Ilan pa sa mga dahilan kung bakit sa susunod na taon ito sisimulan ay susuriin daw muna ng Cebu Pacific ang magiging gastos sa gasolina, kondisyon ng hangin at ang haba ng runway upang matiyak ang dami ng pasehero na pwedeng isakay sa eroplano at malaman ang presyo ng magiging pamasahe.

Matatandaan na noong Nobyembre ay natapos na ang pagsasaayos at pagpapahaba ng runway ng Marinduque Airport. (PIA-Mimaropa/Marinduque)

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...