Biodegradable shredder and composter mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). (Larawan mula kay Jenel Calamba-Torres)

Malaking tulong sa ginagawang waste convertion ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng bayan ng Rizal ang natanggap nitong biodegradable shredder and composter mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong buwan ng Disyembre nitong nakalipas na taon.

Ayon kay Jenel Calamba-Torres, hepe ng MENRO-Rizal, ang nasabing shredder at composter ay hiniling ng lokal na pamahalaan ng bayan sa DENR-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) upang magamit nila sa pagproseso ng mga basurang mahahakot mula sa pamilihang bayan at maging pataba na magagamit sa mga halaman at gulay at iba pang pwedeng paggamitan sa kanilang nursery.

“Ang initial ay gagamitin muna ng MENRO sa nursery for seedling production na gagamitin sa mga reforestation and tree planting activity natin,” pahayag ni Torres.

Dagdag niya, magandang paraan ito upang hindi masayang ang mga dumi ng mga isda at karne na nagmumula sa wet market na puwede pang gawing pataba sa mga pananim.

- Advertisement -

Paliwanag pa ni Torres, makakatulong din ito na magkaroon ng kaaya-ayang amoy ang loob ng pamilihan dahil mahahakot na ang mga waste mula sa isda at karne.

Ngayong buwan ng Enero naman ay nakatakdang nila itong gamitin sa sandaling makakahanap na sila ng transformer na ilalagay dito para maging sapat ang kuryente o maabot ang required power supply.

Previous articleOP-ED: Bayanihan sa Palawan
Next articleSan Vicente LGU nag-umpisa nang mamahagi ng P5k shelter assistance sa mga binagyo
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.