Home POLITICS & GOVERNANCE Municipality Bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Brooke’s Point umakyat na...

Bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Brooke’s Point umakyat na sa siyam

1
0
PN File

BROOKE’S POINT, Palawan — Umabot na sa siyam ang nasawi dahil sa COVID-19 sa bayang ito ayon sa huling ulat ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) nitong araw ng Lunes, Hunyo 14.

Ito ay matapos na may dalawang magkasunod na pumanaw nitong araw ng Linggo, Hunyo 13, at Lunes, Hunyo 14.

Sa panayam ng Palawan News kay Dan Esmerio, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO),  sinabi niyang ang dalawa ay nag-positibo sa antigen test at hindi na naisailalim pa sa confirmatory test kung kaya’t sila ay itinuturing na probable cases.

“Hindi dumaan sa confirmatory test yong dalawa, kaya maituturing silang probable,” pahayag ni Esmerio.

Samantala, sa kasalukuyan  ay may kabuuang bilang na 398 ang COVID-19 cases sa bayan kung saan, 78 ang active cases, 281 ang nakarecover, at siyam naman ang nasawi.

Previous articleRTNMC supports LGUs  in Palawan in the fight against Covid 19
Next articlePolish consuls visit San Vicente town