Umabot na sa bilang na 190 indibidwal ang nabigyan ng booster shot ng bakuna laban sa COVID-19 ng Municipal Health Office (MHO) sa munisipyo ng Sofronio Española ngayong buwan mg Enero.
Ayon kay Dr Rhodora Tingson, Municipal Health Officer ng bayan ang bilang ay mula sa mga nakatanggap na ng second dose ng bakuna mula nang magbigay sila ng booster shots sa mga residente noong buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon.
“Ang latest ngayon is, after three months ng second dose ng Sinovac, AstraZemeca, Pfizer, at Moderna, and after two months ng Janssen, ay pwede na magpa-booster,” paliwanag ni Tingson.
Dagdag niya, ang iba pang mga indibidwal ay mabibigyan ng kanilang booster shots sa mga susunod na buwan.
Samantala, kabuuang nasa 7,662 residente ng bayan ang fully vaccinated na ito base sa huling report ng MHO noong huling linggo ng Disyembre.
Ang nasabing bilang ay 29.76 percent na ng kabuuang populasyon ng bayan na mahigit 37,000, kung saan, 70 percent nito ang target na mabakuhan para maabot ang herd immmunity.
Muli ring nagpaalala si Tingson sa mga hindi pa nagpapabakuna, na mangyaring magtungo sa MHO upang malaman ang mga schedule ng pagbabakuna sa kanilang barangay.
NIY, mahalagang magpabakuna ang bawat mamamayan ng bayan lalong-lalo na ngayon na may banta ng Omicron variant.
