Nananatiling mataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga munisipyo sa bahaging sur ng Palawan ngayong ikatlong linggo ng buwan ng Oktubre.

Ang bayan ng Brooke’s Point ay nananatiling may pinakamataas na kaso sa walong munisipyo. Base sa huling ulat na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang bayan ay mayroong 292 aktibong kaso kung saan, 109 dito ay RT-PCR confirmed at 183 naman ang Rapid Antigen Test (RAT) reactive.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso, ang bayan ay nananatili ngayong nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) status simula pa noong buwan ng Agosto.

Pangalawa ang bayan ng Narra na mayroong kabuuang 111 active cases na kinabibilangan ng 103 RT-PCR confirmed at walong RAT reactive at sinundan ng bayan ng rizal na may 51 RT-PCR confirmed cases at 58 RAT reactive para sa kabuuang bilang na 108 active cases.

- Advertisement -

Nasa 76 active cases naman ang naitala sa munisipyo ng Bataraza, 34 dito ay positibo sa RT PCR at 42 ang RAT reactive, 35 active cases naman sa bayan ng Quezon, habang mayroong 29 sa munisipyo ng Sofronio Española.

Ang bayan ng Aborlan ay mayroong kabuuang 66 active cases na 55 ang RT-PCR confirmed at 11 ang RAT reactive.

Ayon kay Dr. Fidel Salazar, Municipal Health Officer sa Aborlan, kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bayan ay pinakikiusapan ang mga residente na kahit fully vaccinated na ay patuloy pa ring sumunod sa health protocols na ipinaiiral.

“May bilang na rin tayo sa fully vaccinated sa Aborlan, pero sumunod pa rin sa lahat ng utos kapag lalabas dahil patuloy na tumataas ang kaso,” pahayag ni Salazar.

Previous articleCapitol participates in China-led virtual climate change and economic dev’t seminar
Next articleEnvironment protection task force to dismantle unlawfully erected fences in Talaudyong
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.