Halos walang pinag-iba ang bilang na 18,241 ng mga estudyanteng nag-enroll para sa pasukan ngayong School Year 2020-2021 kumpara noong nakalipas na taon na nasa 18,371 kahit na may pandemya.

Ito ang sinabi ni Joy Galgo, ang coordinating principal ng Narra del Sur District noong Martes sa Palawan News.

Ayon kay Galgo, ang bilang ng enrollees para sa susunod na pasukan ay binubuo ng mga estudyante mula sa elementary, junior, at senior high school.

“May maliit lang na gap sa 2019 at 2020 natin pero ngayon kasi puwede pa tayong tumanggap ng enrollees kaya may iilang mga magulang pa rin sa mga remote areas ang pinupuntahan ng ating mga guro para maenroll ang kanilang mga anak bagamat nag deadline na ang enrollment noong July 15 pero puwede pa tayong tumanggap,” sabi ni Galgo.

“Kung titingnan natin ang target natin ay naabot natin mula sa 2019 enrollees natin sa gitna ng pandemya may mga magulang talaga na in-enroll ang kanilang anak para sa class 2020-2021,” dagdag niya.

Ang Narra Del Norte District ay nakapag-enroll ng 11,103 (elementary, junior at senior high), samantalang ang Narra Del Sur District ay nakapag-enroll ng 7,138 na may kabuuang 18,241 students sa buong bayan ng Narra.

 

About Post Author

Previous articleMining firm employees join First Aid fun competition
Next articleMICE allowed under MGCQ at 50% capacity: DOT
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.