Nananawagan ng tulong ang pamilya Mariñas para muling mabuo ang kanilang bahay matapos itong matupok ng apoy noong tanghali ng November 23.

Sa mensaheng ipinadala ni Jinky Mariñas sa Palawan News, ikinuwento nito na nakikitira pa rin ang kanyang mga pamangkin sa kanilang mga kaanak, habang nagtiis ang kanyang nanay at panganay nilang kapatid sa nasunog nilang bahay.

“Ang nanay ko po at panganay na kapatid ang naiwan ngayon doon sa bahay, tapos ang mga bata nakikituloy sa kamag-anak pa din namin dahil kulang pa ng yero at dingding ang bahay namin,” pahayag ni Mariñas.

Nasunog ang bahay ng mga Mariñas sa Purok Magsasaka, Brgy. Sta Lourdes, 12:20 ng tanghali noong November 23, kung saan nadamay din ang mga materyales ng ipapatayong bahay sana ng kanyang nakakatandang kapatid.

“Nung time na yun, ang tao lang sa bahay ay ang ate ko at ang mga anak niya. Actually po, natutulog kasi yung mga bata. Kasi may mga sakit sila at yong ate ko naglalaba that time sa likod ng bahay namin,” ayon sa kanya.

“Bali dapat po magpapatayo na rin ang ate ko ng bahay na magdudugtong doon sa bahay ng mama ko. Kaso nasama yung mga kahoy at plywood sa sunog,” ayon pa kay Mariñas.

Sa ngayon ay hiling ng pamilya na matulungan sila na mabigyan ng yero at sawali para maipagawa na ang kanilang bahay.

About Post Author

Previous articleALC Palawan Group of Companies is looking for candidates to fill job openings
Next articleDENR launches Pinas Basura Buster mascot, mobile app to promote waste management
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.