File photo of the fire that hit Barents Marketing Corporation in Barangay San Pedro on December 4, 2020. | Photo by Puerto Princesa City-Bureau of Fire Protection

 

Pinaaalalahanan ng Puerto Princesa City-Bureau of Fire Protection (PPC-BFP) ang mga mamamayan na maging maingat sa paggamit ng kuryente lalo na ngayong papalapit ang pasko.

Kasunod ito ng nangyaring sunog sa bodega ng Barents Marketing Corporation na sinasabing pagmamay-ari ni William Tan sa South National Highway, Barangay San Pedro, bandang 9:20 ng gabi noong December 4.

Sa pahayag ni FO3 Mark Anthony Llacuna, tagapagsalita ng PPC-BFP, nagmula ang sunog sa opisina ng presidente at kuryente ang nakikitang naging sanhi nito. Wala din umanong nakitang senyales na sinadya ito.

“Nag-brownout, tapos ang guard nagpaandar ng generator. Tapos ang nakikita nilang cause ngayon, kuryente. Wala din nakitang sadyang pagsunog sa lugar. Bodega kasi yon, so malamang may insurance yan. Pero wala kaming nakikitang ganoong anggulo,” saad ni Llacuna

“Nakikita pa din na aksidente ang nangyari. Yong lead source ng ignition ay electrical, either nag-overload kasi nga generator na lang o nagkaroon ng short circuit. Hindi kinaya ng supply dahil ang source niya ay generator,” dagdag pa nito.

Napag alaman din ng BFP sa lungsod na dalawanag araw bago ang sunog ay may nakita ng problema sa linya ng kuryente sa nasabing bodega.

Sabi ni Llacuna, ngayong magpapasko, maging labis na maingat sapagkat puwedeng electrical ang maging sanhi ng sunog. Ugaliing mag-unplug ng lahat ng mga appliances, lalo na ang mga Christmas lights. Siguraduhin ding bumili ng mga gamit na may ICC na ang ibig sabihin ay pasado sa standard.

“May mga maliliit kasi na mga wires di ba? Ang mga common sa atin ay mga China products, hindi natin dina-down pero basta may ICC, ibig sabihin standard siya. Pero kahit naman standard yan kung overused, magkakasunog pa rin talaga. Electrical overloading ang karaniwang nangyayari kapag pasko,” paliwanag ni Llacuna.

Previous articleGov’t troops recover food supplies, ammo in Roxas town
Next articleAyudang pang-agrikultura, tinanggap ng mga katutubong Ratagnon
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.