Minamadali ngayon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Rizal ang paglalagay ng substation nito sa Sityo Sicud, Barangay Candawaga matapos aprubahan sa kanilang regular na sesyon ang panukala para dito noong Lunes, Pebrero 22.

Sa panayam ng Palawan News kay Kgd. Arvin Fuentes noong araw ng Biyernes (Pebrero 26), sinabi nito na ang resolusyon ay nagmula sa kahilingan ng bagong hepe ng Rizal Fire Station na si SFO4 Alex Calangi na maglagay ng substation sa Candawaga dahil may kalayuan na ang lugar na ito sa Poblacion sa Brgy. Punta Baja.

“Approved as urgent ito at nakita namin na kailangan din talagang malagyan ng substation doon dahil sobrang layo na talaga ng fire station natin dito mula doon sa Candawaga. Kailangan nating maglagay ng substation doon para mas mapabilis ang pagresponde natin sa tuwing maylgkakaroon ng sunog sa mga southern barangays natin,” pahayag ni Fuentes.

“Kung sakaling ma put-up na iyan, may mga support naman na galing mismo sa barangay council ng Candawaga at sa LGU natin. Noon pa ay mayroon tayong mini fire truck na puwedeng gamitin nila doon,” dagdag ni Fuentes.

Sa hiwalay na panayam ng Palawan News kay Calinga noong nasabi rin na araw, inihayag niyang hiniling niya sa mismong provincial director ng Bureau of Fire Protection na sana ay makapaglagay ng Substation sa Candawaga dahil na rin sa nakita niyang malayo na ito sa Poblacion.

- Advertisement -

“Sinabi ng ating provincial director na kailangan magpasa muna ng resolution ang Sangguniang Bayan ng Rizal kaya hiniling natin ito sa mga konsehal. Agad naman nila itong pinagbigyan dahil sila mismo ay nakita na kailngan talagang maglagay sa Candawaga,” ani Calinga.

Idinagdag pa ni Calinga na una na rin siyang nagtungo sa barangay council ng Candawaga at bukas naman sila sa pagkakaroon nito.

“In fact, nagbigay sila sa atin ng bakanteng gusali doon sa barangay nila at aayusin natin yon at gagawa tayo ng kasunduan. Naniniwala tayo na hindi ito magtatagal at magkakaroon na tayo ng fire substation sa Candawaga dahil very supportive sila,” dagdag niya.

Sa paglalagay naman daw ng mga tao sa substation ay magbibigay rin ang Candawaga ng kanilang mga fire volunteers at sasanguni rin sa BFP para sa paglalagay ng fire personnel dito.

Previous articleObese or overweight ICF personnel undergo ‘Weight Reduction Program’
Next articleAllergology expert advises public to stay in center for 30 minutes after vaccination
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.