Photo courtesy of Municipal information office
- Advertisement by Google -

BROOKE’S POINT, Palawan – Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng bayan ng Brooke’s Point noong June 25 na sina Mayor Cesario Benedito Jr. at Vice Mayor Mary Jean Feliciano, kasama ng mga re-elected at elected officials ng Sangguniang Bayan.

Pinangunahan ni Judge Ramon Chito Mendoza, ang naitalagang hukom ng Branch 165 ng Brooke’s Point, ang panunumpa ng mga halal na opisyal na ginanap sa Barangay Aribungos ng bayan kung saan nakakuha ng may pinaka mataas na boto sina Benedito at Feliciano.

Sa mensahe ni Benedito ay sinabi niya na ang kanyang paglilingkod na gagawin ay “maka Diyos” para sa mga mamamayan ng Brooke’s Point.

“Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ipinagkaloob sa akin ng Poong Maykapal dahil bawat desisyon na aking gagawin ay idadaan ko sa panalangin,” sabi ni Benedito.

- Advertisement -

Iikot sa programang pang kalusugan, edukasyon, kalikasan, agrikultura, at imprastraktura ang kanyang magiging pamamahala sa munisipyo.

Nakatakda si Benedito at Feliciano na manungkulan sa Hulyo 30.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDepEd recognizes PNS for most innovative distant learning modality “e-PNS”
Next articleMga magsasaka sa Balabac nakatanggap ng ayuda mula sa DA
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.