Ipinatutupad na ngayon ang mas pinalawig na curfew hours sa bayan ng Taytay na nagsisimula alas otso ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw base sa Executive Order No. 57, series  of 2021 na nilagdaan ni mayor Christian Rodriguez noong araw ng Huwebes, Hunyo 3.

Layunin ng nasabing curfew na limitahan ang galaw ng mga mamamayan at maiwasan ang mga pagtitipon at iba pang okasyon na magkakaroon ng mga gatherings, kaugnay pa rin sa aksyon ng pamahalaang bayan upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga pampubliko at pribadong establisyemento, bahay-sambahan at iba pang institusyon na limitahan ang oras ng kanilang pagpasok, gawain, at pagtitipon na huwag ng umabot sa oras ng curfew.

Ang mga grocery stores, sari-sari store, general merchandising, hardware, canteen, carenderia, restaurant, palengke, talipapa, at mga DOT-accredited accommodations na may restaurants at iba pang pribadong establisment ay hindi pinapayagang mag-bukas sa nga oras ng curfew.

Hindi naman saklaw ng curfew ang mga emplyado ng gobyerno na uuwi galing opisina tulad ng mag-o-overtime, mga empleyado ng pribadong sektor na pinapayagan magbukas anumang oras tulad ng gasolinahan, botika, ice plant, mga guwardya at drayber, mga medikal personnel tulad ng doktor, nurse, midwife at ibang nagtatrabaho sa mga hospital at RHU, miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at mga barangay health workers (BHW), mga nagtatrabaho sa mga kumpanya ng public utility, (kuryente, tubig, internet) kabilang ang mga contractor, sub-contractor na gumagawa at nag-aayos  ng mga emergency activities, gaya ng pagsasaayos ng kawad, tagas ng tubo, at linya ng internet.

Hindi rin saklaw ng curfew ang mga mangingisda at mga malalaking pamalakaya ngunit kailangan ma-inspection ng mga kawani ng maritime police o ng coast guard kung may kahina-hinalang karga o gawaing iligal, mga nagdedeliver at namimili ng live fish at sariwang isda, mga magsasaka at mga may kargang agricultural products at nagde-deliver ng mga paninda sa palengke o talipapa at mga vendors.

Lahat ng may kinalaman sa gawaing medikal, mga pari, imam, at iba pang mga ministro na galing sa pinakahuling pagtitipon o pagdarasal para sa libing at  padasal sa taong naghihingalo na, mga dumalo sa lamay ng kapamilya, at mga pampublikong sasakyan na dumadaan lamang sa Taytay at papunta sa ibang bayan.

Previous articleDOT launches 5-year dev’t plan for tourism professionals
Next articleUnitop mall inireklamo ng isang tenant
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.