Bilang tugon sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa lalawigan, mas lalong pinaigting ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) on COVID-19 ng Taytay ang pagbabantay sa mga border control points ng nasabing bayan simula ngayong Mayo 10 hanggang 31.

Ang muling paghihigpit ay sa bisa ng Excutive Order (EO) 47, series of 2021, kung saan muling ibinalik ang border control point sa Barangay Abongan upang masala lahat ng mga biyahero na papasok sa bayan.

Nakasaad din sa nasabing EO ang mga requirements para sa mga pupunta sa Taytay na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Para sa mga hindi authorized person outside residence (APOR) na residente ng Taytay na namalagi ng pitong araw o higit pa sa labas ng bayan, kailangang mag-presenta ng antigen test results  na hindi lalagpas ng 24 oras mula ng kinuha ito, health clearance sa pinanggalingang lugar, at affidavit of undertaking na maaaring makakuha ng kopya sa official Facebook page ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Siguraduhin din na nakalista sa travel manifest na may health declaration.

Para sa mga APOR na residente ng Taytay, kailangan ang negative result ng antigen test na hindi lalagpas ng 24 oras mula ng kinuha ito. Dapat nakalista sa travel manifest na may health declaration, valid company ID, at travel order. Ang mga APOR na mamalagi ng higit sa pitong araw ay kailangang makipag-ugnayan para ipabatid ang pakay.

Para naman sa mga APOR na hindi residente ng Taytay, kailangang makipag-ugnayan sa Emergency Operating Center (EOC) para ipabatid ang pakay, kopya ng negative results ng rapid antigen test na hindi lalagpas ng 24 oras mula sa pagkuha, at dapat nakalista sa travel manifest na may health declaration. Kailangan ding lumagda sa affidavit of undertaking at ipakita ang valid company ID at travel  order.

Para naman sa mga essential goods and services provider, kailangan ng negative antigen test result, dapat nakalista sa travel manifest na may health declaration at palagiang magdala ng valid company ID, at travel order.

Ang mga residente ng bayan na pansamantalang naninirahan sa ibang lugar at nagnanais umuwi ay kailangan ng negative antigen test results at health clearance mula sa pinanggalingang lugar. Siguraduhin ding nakalista sa travel manifest na may health declaration at lumagda sa affidavit of undertaking at proof of residency ng bayan kagaya ng Barangay ID.

Ang mga residente ng bayan na may mahalagang lakad sa labas na hindi lalampas ng tatlong araw ay kailangang kumuha ng travel stub sa control point at ipakita sa control checkpoint sa oras ng inyong pagbalik. Kailangan ding umagda sa affidavit of undertaking, dapat nakalista sa travel manifest na may health declaration at patunay ng pagiging residente ng Taytay.

Para naman sa mahigit sa tatlong araw  ang lakad ay may karagdagang requirements na negative antigen test results  na hindi lalagpas ng 24 oras mula ng matanggap ito, sa pagbalik.

Ang mga essential goods and services provider na residente at nais magdala ng kanilang produkto sa ibang bayan at maging ang mga may medical at emergency cases naman ay kailangang makipag-ugnayan sa EOC bago bumiyahe upang maabisuhan patungkol sa mga panuntunan ng lugar na pupuntahan. Kailangan din ang travel manifest na may health declaration, affidavit of undertaking, medical certificate o katulad na dokumento at valid ID.

Suspendido naman ang lahat ng tourism-related activities sa nasabing bayan.

Ipinaliwanag ni municipal administrative officer Robinson Morales na ibinalik sa Brgy. Abongan mula sa Sitio Culanga sa Brgy. Poblacion ang border control point ay sa dahilang maraming biyahero ang hindi nagsasabi ng totoo nilang pinanggalingan.

“Marami kasing kababayan natin ang uncooperative. Simpleng manifesto lang naman sana yung paglagay ng totoong pangalan at contact number at ipinapaliwanag naman iyon sa kanila at alam naman natin na ang purpose nito ay para sa contact tracing,” paliwanag ni Morales.

“Dati kasi noong nandoon pa sa sitio Culanga Poblacion ginagawa nilang excuse na nanggaling lang sila sa Brgy. Bato o kaya Brgy. Abongan para makalusot sila sa control point natin, pero ang totoo pala galing sila ng Puerto or other municipalities,” pahayag ni Morales.

Previous articleNIA to prioritize Rizal and Dumaran in 2022
Next articleDalawang most wanted ng Linapacan arestado
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.