SAN VICENTE, Palawan — Dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayang ito, ayon kay Dr. Mercy Grace Pablico, municipal health officer, ngayong araw ng Biyernes, Mayo 19.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng dalawang lalaking 13 at 23 taong gulang na mula sa Barangay Alimanguan na kapwa may travel history sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon Kay Pablico, nagpositibo ang dalawa sa rapid antigen test noong Lunes, Mayo 17, at agad dinala sa quarantine facility ng bayan. Mayo 18 nang isailalim sila sa RT-PCR at kagabi, Mayo 20 ay natanggap ng MHO ang positive swab test results ng mga ito.

Kaugnay nito, patuloy na nananawagan si Pablico sa mga residente ng San Vicente para sa pakikiisa at pakikipagtulungan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Patuloy na maging alerto at makipag -cooperate tayo kung alam natin sa sarili natin na may pinuntahan tayo na pagtitipon na may naging antigen reactive or nagpositibo sa RT PCR test. Mag-volunteer na lang at tumawag sa hotline ng RHU para sa schedule ng kanilang antigen testing, para naman ito sa proteksyon nila at ng buo nilang pamilya,” pahayag ni Pablico.

“For now, kaya pang i-accommodate ng quarantine facility natin, pero huwag naman sana dumating doon sa mahihirapan na talaga tayo, prevention is the best “dagdag ni Dr Pablico

Sa kasalukuyan, ang bayan ng San Vicente ay may anim na aktibong kaso ng COVID-19 at may anim din na probable case.

“Anim pa yung waiting for RT PCR test results. Kung makikita niyo, sampu ang nandiyan sa tracker record natin, pero ang apat ay residing talaga sila sa Puerto,” paliwanag ni Pablico.

Previous articlePMS proposes to use empty schools as vaccination sites
Next articlePNP sa Palawan, hihiling ng mga bangka para sa mga munisipyo
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.