SAN VICENTE, Palawan — Muling maghihigpit ng pagbabantay sa mga checkpoints ng munisipyo ng San Vicente ang Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) kaugnay ng naitatalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Puerto Princesa base sa napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong nitong araw ng Miyerkules, Abril 7.
“Most of our visitors, inbound LSIs, ROF, APOR, & Local tourists, including those coming from outside the Province of Palawan, pass or are from Puerto Princesa where there is high incidence of positive cases of COVID-19. With the National IATF-EID issuance on ECQ, the municipal government need to raise its level of preventive measures on COVID-19 to maintain our COVID-19 free status,” pahayag ni Rustico Dangue, Municipal Local Government Operations Officer.
“Most of the visitors together with our residents no longer observe strict health standards and protocol. To continue our battle versus COVID-19, law enforcement, including monitoring and surveillance shall be pursued with diligence, and the community is advised to religiously observe the same. All law enforcement units are instructed to require compliance of our visitors, establishments & residents as well,” dagdag niya.
Sa direktiba ni Mayor Amy R. Alvarez, muling kakailanganin ng mga residenteng namalagi sa lungsod ng mahigit sa tatlong araw ang medical certificate o health clearance mula sa Barangay Health Center na pinanggalingan bilang karagdagang requirements sa identification card, travel pass at pagtatala sa manipesto. Sasailalim din ang mga ito sa 10 hanggang 14 na araw na monitoring na isasagawa ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS).
Maliban sa travel pass, kailangan ding ipakita ng mga returning residents mula sa lungsod ang naturang requirements.
Ang mga residente namang nagtungo sa lungsod ng Puerto Princesa at namalagi ng hindi hihigit sa tatlong araw ay kinakailangan lamang magpakita ang kanilang valid ID, travel pass at tala sa manipesto.
Papayagan din ang pagpasok ng mga lokal na turista sa munisipyo kung ang mga ito ay mayroong medical certificate, proof of pre-booking, valid ID, koordinasyon sa Municipal Tourism Office at rehistrasyon sa opisyal na website ng munisipyo.
Ang mga naghahatid ng pangunahing pangangailangan naman ay Kinakailangan din magpakita ng health clearance.
Tinalakay din sa pagpupulong ang pagbabawal sa mga palaro na mayroong close contact kagaya ng basketball.
Hiniling din ng alkade ang partisipasyon ng mga residente ng San Vicente na patuloy na magsuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay at ang implementasyon ng iba pang health protocols tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, social distancing at pag-iwas sa mga gatherings.
