Photo from San Vicente LGU

SAN VICENTE, Palawan — Nagtala ng anim na bagong kaso ng COVID-19 at 10 na recoveries sa bayan na ito, ayon sa huling ulat ng Municipal Health Office (MHO), araw ng Lunes, Mayo 31.

Dagdag ng MHO, sa kasalukuyan ay may kabuoang 72 active cases sa bayan kung saan ang 25 ay nag-positibo sa RT-PCR at 47 naman ang antigen reactive.

Photo from San Vicente LGU

Kabilang sa mga barangay na may mataas na bilang ang New Agutaya na may 23, Poblacion na may 22, Alimanguan na may 12, at Port Barton na  may lima.

Ang Brgy. San Isidro naman ay may apat, Brgy. Sto. Niño naman ay may dalawa, Brgy. New Canipo may tatlo, at Binga isa.

Patuloy pa rin ang panawagan ng MHO na sumunod sa minimum health protocols na ipinatutupad.

Previous articleMayor Cervantes explains Toto Port controversy in Busuanga town
Next articleProtecting the legal rights of seafarers
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.