Nagtala ng 19 bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Roxas sa huling ulat na inilabas ng Municipal Health Office araw ng Huwebes, Mayo 27.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng pitong babae at anim na lalaki mula sa Barangay Jolo, dalawang babae at isang lalaki mula sa Brgy. Magara, dalawang lalaki mula sa Brgy. 4 at isang lalaki mula sa Brgy. 2.

Sa panayam ng Palawan News kay Dr. Leo Salvino, municipal health officer, nitong Sabado ng umaga, Mayo 29, sinabi niyang nananawagan na siya ng tulong sa pamahalaang panlalawigan at maging sa regional office Department of Health para sa mga additional testing kit dahil sa pataas ng pataas na ang kaso sa kanilang bayan.

Ayon pa kay Salvino, kung patuloy pang tataas ang kaso sa kanilang bayan ay hindi rin malayong magkukulang na sila sa isolation facilities.

“Ang Medicare Hospital kasi natin punuan na din. Ang quarantine facilities natin halos mapuno na rin sa dami na ng infected sa lugar. Ang nakakatakot dito community transmission na,” paliwanag ni Salvino.

“Kung patuloy na hindi makikipag tulungan ang mga mamamayan dito, asahan dadami at tataas pa ito,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay umakyat na sa 55 na bilang ng aktibong kaso sa bayan ng Roxas.

Previous articlePinaghihinalaang pusher huli sa buy bust sa Española
Next articleTatlo kakatawan sa Palawan sa regional selection para sa PCA Board
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.