Muling nagtala ng isang bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Roxas ngayong Miyerkules, Abril 28.

Sa Facebook post ng Rural Health Unit ng nasabing bayan, sinabi nitong ang bagong kaso ay isang 67 taong gulang na babae mula sa Barangay Bagong Bayan at bumiyahe galing sa lungsod ng Puerto Princesa. Siya ay nasa isolation room na ng Roxas Medicare Hospital para sa kanyang gamutan at obserbasyon.

Ayon kay Dr. Leo Salvino, Municipal Health Officer ng Roxas nagpakonsulta ito sa Puerto at doon ito nalamang nagpositibo sa COVID-19, at nakaraang araw lamang inilipat sa Medicare sa Roxas para sa kanyang isolation.

“Nagpakonsulta ito sa Puerto Princesa , matagal din yung exposure niya doon at kahapon lang namin natanggap yung confirmatory result nya. Considered as imported case” ani Salvino.

Dagdag pa niya, nakapagsagawa na rin ng contact tracing at ang mga primary contact ay nasa isolation na rin.

- Advertisement -

Nanawagan din si Salvino sa mga mamamayan ng Roxas na kung maaari ay huwag munang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. “Stay at home lang muna tayo at hangga’t maaari huwag muna tayo pumunta sa Puerto kung hindi naman masyado kailangan at emergency. Malalagpasan din natin itong pandemya na ito,” aniya.

Sa kasalukuyan ay may tatlong aktibong kaso COVID-19 ang bayan Ng Roxas.

Previous article3 C’s to consider during uncertain times
Next articleChicken layering project, napapakinabangan na sa San Vicente
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.