Nagtala ng anim na bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Roxas noong araw ng Miyerkules, Mayo 19.

Ayon sa official Facebook account ng nasabing bayan, ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng dalawang babaeng edad 19 at 32 na nagmula sa Barangay 2, at apat na lalaking edad 35, 55, 22, 59, at 30, kung saan, tatlo ay mula sa Barangay 2, at isa ang mula sa Barangay 1.

Ayon kay municipal health officer Dr. Leo Salvino, ang anim ay isinailalim sa antigen test nitong nagdaang linggo. Araw ng Biyernes sila isinailalim sa confirmatory RT-PCR test at ang sample ay ipinadala sa Lungsod ng Puerto Princesa at noong Linggo ng hapon ay natanggap ng MHO ang resulta nito.

Patuloy pa rin si Salvino sa pagpapaalaala sa lahat patungkol sa mga health protocols na dapat sundin kaugnay sa paglaban sa COVID-19.

“Walang sinisino ang virus kaya mag-iingat tayo pa rin tayo. Kahit ako nga ay nandito sa quarantine facility ngayon dahil may kasama tayo na nagpositibo. Tuloy tuloy lang tau mag-ingat hanggang walang bakuna at kahit may bakuna na ay dapat pa ring mag-ingat palagi,” pahayag ni Salvino.

“Kaunting sakripisyo lang sa mga kasama natin naka-quarantine. Ginagawa naman natin lahat at kaunting tiis lang. Naiintindihan naman namin kayo,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ang bayan ng Roxas ay may 41 aktibong kaso, tatlo na ang nasawi at mayroon namang 28 recoveries.

Previous articleAdditional ventilators for Calamianes hospitals sought
Next articleBancao-Bancao leads COVID-19 surge, with jail detainees as majority cases
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.