(Screenshot from Google Maps/ File photo )

Nagsimula na ang pagbibigay ng bakuna sa mga kabataang 12-17 taong gulang sa bayan ng Rizal nitong araw ng Miyerkules, Nobyembre 17.

May kabuuang 902 kabataan ang nabigyan ng first dose ng Pfizer na isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) sa covered gym ng Barangay Punta Baja.

Ayon kay Dr. Kathreen Stephanie Luz Micu, municipal health officer, nakatakda ngayon at sa mga susunod na buwan ang vaccination rollout para sa kabataan sa 11 barangay upang madagdagan pa ang target na 70 percent herd immunity mula sa mahigit 56,000 populasyon ng Rizal bilang bahagi ng paglaban sa COVID-19.

Mula noong buwan ng Hulyo hanggang sa kasalukuyang buwan ay mayroon nang kabuuang 5,544 individuals ang fully vaccinated sa bayan na nabigyan ng ibat-ibang vaccine brand tulad ng AstraZeneca, Moderna, Sinovac, Janssen at Pfizer.

- Advertisement -

Muli ring nagbigay ng paala-ala si Micu sa mga residente na patuloy pa ring mag-ingat kahit sila ay nabakunahan na.

“Sa mga fully vaccinated na, magingat pa rin talaga at patuloy na sundin ang health and safety protocols,” pahayag ni Micu, Nobyembre 19.

Previous articleBunuangin Jungle Trail CBST site sa Port Barton sa San Vicente, nakatakdang pasinayaan
Next articleDTI Palawan pushes for online application for businesses
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.