Ā
Pinag-aaralan na ng committee on health ni councilor Arvin Fuentes ng Sangguniang Bayan ang panukalang ordinansa ni councilor Gracia Zapanta na naglalayong labanan ang diskriminasyon ng mga COVID-19 frontliners sa bayan ng Rizal sa southern Palawan.
Nasasaad sa ordinansa ang pagbabawal sa mga pananalita o kilos na magsasanhi ng “stigma, disgrace, shame, humiliation, harassment at ang pag-discriminate” sa mga taong probable, suspect o confirmed sa coronavirus disease.
Pananagutin din ang mga public officers na magtatangging magbigay ng assistance sa mga probable, suspect at confirmed, mga indibidwal na magpo-post sa social media ng mga mali at hindi tamang impormasyon tungkol sa mga frontliners at individual na may COVID-19 at ang pagaanunsyo sa social media ng pangalan ng mga tao na hinihinalang mayroon nito.
“Any person who will violate those prohibited acts ay pananagutin once enacted by our council at ang violation ay ire-refer na lang sa executive order na ilalabas din ni Mayor Otol Odi,” sabi ni vice mayor Norman Ong.
Samantala, sa susunod na regular na pagpupulong ng municipal council ay ilalabas ang committee report ni Fuentes na siyang chairman sa committee on health para ito ay maaprobahan ng Municipal Council.
“Napapanahon ito para protektahan ang mga frontliners natin, sa mga LSIs natin o ROFs dito sa bayan ng Rizal to avoid discrimination lalung-lalo na sa mga frontliners natin at mga LSIs/ROFs,” ani Zapanta.
Nananatili pa ding COVID-19 free ang Rizal.