PN file

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Nakapagtala ng 13 bagong RT-PCR confirmed na kaso ng COVID-19 ang bayan na ito araw ng Martes, May 25.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng walong babaeng may edad 46, 17, 55, 37, 21, 42, 22 at 11 taong gulang, at limang lalaking 61, 38, 4, at 12 taong gulang na pawang mga local cases mula sa Barangay Pulot Center. 

Ayon kay Dr. Rhodora Tingson, municipal health officer, araw ng Miyerkules, Mayo 26, tatlo sa mga bagong kaso ay unrelated cases habang ang sampu ay mga close contact ng mga naunang kaso sa bayan.

“Lahat sila ay nasa quarantine facility na natin ngayon,” pahayag ni Tingson.

Samantala, walong pasyente rin ang naitala ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) na gumaling sa sakit.

Sa kasalukuyan ay may 15 active COVID-19 cases ngayon na nasa quarantine facility ng bayan.

Previous articleMataas na kaso ng COVID-19 muling naitala sa San Vicente
Next articleMalampaya gas project contract extension, pinag-uusapan na ayon sa DOE
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.