Bilang tugon sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan, naglabas ng abiso para sa implementasyon ng safety protocols kaugnay sa pagbiyahe ng mga residente ang bayan ng Cuyo.

Sa Travel Advisory No. 01 na inilabas noong Abril 29, lilimitahan ang pagpasok at paglabas ng biyahe sa mga essential travels, returning overseas Filipinos (ROF), authorized persons outside residence (APOR) at mga emergency cases lamang.

Para sa mga sa mga ROF at APOR, kailangang muna ng maayos na koordinasyon sa barangay na pupuntahan. Kinakailangan ng endorsement letter na kukunin ng representative sa lugar na pupuntahan. Kailangan ding magbayad sa Municipal Treasurer’s Office para sa antigen test, kailangang kumuha ng acceptance letter mula sa Mayor’s Office, at negative RT PCR test na valid for 72  hours o negatibong antigen test valid for 24 hours.

Sa mga manlalakbay naman na manggagaling lamang sa ibang munisipyo ng lalawigan, kinakailangang magpakita ng medical certificate, travel order, at ng negative antigen test result na nakuha sa loob ng 24 oras bago ang takdang biyahe.

Lahat ng pupunta sa bayan ay kailangan ding sumailalim sa anim na araw na home quarantine pagdating at muling pagsailalim sa antigen test pagkatapos.

Ang sinumang makikitaan ng sintomas at mag-positibo ay agad na dadalhin sa kanilang quarantine facility para sa kanilang obserbasyon at gamutan kung saan ang lahat ng gastusin ay personal na sasagutin ng biyahero.

Sa kasalukuyan ay mahigpit pa ring ipinaiiral sa bayan ang minimum health standards kagaya ng ang wastong pagsuot ng face mask at face shield, at social distancing lalo sa mga matataong lugar at madalas puntahan tulad ng mga government offices, simbahan, pamilihan, at mga bangko.

Para sa karagdagang kaalaman, ang sinumang nais pumunta o umuwi sa Cuyo ay maaaring makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa telopono bilang 09467456403.

About Post Author

Previous articleSan Vicente MIATF nagsagawa ng pagpupulong kaugnay sa travel restrictions sa Brgy. Binga at Canipo
Next articleMga mangingisdang gumamit ng ipinagbabawal na compressor, huli ng mga operatiba ng Cuyo MPS
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.