Nagtala ng 15 bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Culion ayon sa report na inilabas ng Municipal Health Office (MHO) ngayong araw ng Martes, Enero 18.

Ayon sa MHO, ang mga bagong kasong nabanggit ay pawang close contact ng mga positibong kaso nitong nakalipas na linggo.

Sa kasalukuyan ay mayroong 23 na aktibong kaso ng Covid-19 na kasalukuyang minomonitor sa mga temporary treatment and monitoring facilities ng bayan.

Kasabay nito ay mayroon ding 13 pasyente ang gumaling matapos na sumailalim sa 10 araw na monitoring sa quarantine facility.

- Advertisement -

Sa muling pag-usbong ng kaso ng COVID-19 sa bayan ay patuloy din ang panawagan ng MHO sa mga mamamayan na panatilihin ang pagsunod sa mga ipinaiiral na health protocols.

“Inaasahan pa rin ng LGU Culion ang kooperasyon at pang-unawa ng bawat isa sa mga nagaganap na paghihigpit sa ating bayan. Manatili muna tayo sa ating mga tahanan kung hindi essential ang transaksyon na gagawin sa mga pampublikong lugar,” ayon sa MHO.

“Sundin ang minimum health standards tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at ang social or physical distancing; at higit sa lahat magpabakuna kontra COVID-19. Mag antabay lang sa mga update patungkol sa sitwasyon ng COVID-19 sa ating bayan,” dagdag nito.

Previous articleCops nab two wanted persons in Cuyo, Aborlan
Next articleBilang ng nakatanggap ng booster shot ng bakuna laban sa COVID-19 sa bayan ng Sofronio Española umabot na sa 190
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.