BROOKE’S POINT, Palawan – Muling isasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang bayan na ito simula sa Setyembre 8  hanggang 22, dahil na rin sa muling pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa huling update na inilabas ng Municipal Information Office (MIO), ipinahayag nito sa pamamagitan ng Joint Resolution No, 67, s. 2021 na inaprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force on COVID-19 (RIATF) ang kahilingan ng munisipyo na isailalim ang Brooke’s Point sa GCQ dahil sa muling paglala ng kaso ng coronavirus na sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang 147 aktibong kaso.

“Ngayong hapon lang ay natanggap ng ating lokal na pamalaan ang liham mula sa RIATF na naglalaman ng kumpirmasyon na ang kahilingan ng ating Municipal Inter-Agency Task Force o MIATF na ire-classify ang ating bayan mula sa MGCQ pabalik sa GCQ,” ayon sa post ng MIO sa official social media account nito.

Kaugnay nito, asahan na rin umano ang muling mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng mga  panuntunan sa ilalim ng GCQ upang mapigil ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

- Advertisement -

“Ito ay naglalayong mas paigtingin ang pagpapatupad ng mga health protocols at mapababa ang bilang ng mga nagkaka-COVID sa ating bayan,” pahayag ni Jiro Ibrahim, municipal information officer ng bayan.

Samantala, naglabas din ang MIATF ng kaukulang panuntunan para sa mga sasakyan at biyaherong pupunta at aalis habang ang bayan ay nasa ilalim ng GCQ status.

Sa ilalim ng nasabing panuntunan ay kailangang kumuha ang mga biyahero ng mga dokumento kabilang ang mga sumusunod para maka biyahe: Barangay certification na nagpapatunay na ang biyahe ay essential at ang biyahero ay hindi kasama sa contact tracing, lugar na pupuntahan at petsa ng pagbyahe.

Para naman sa mga sasakyan maging ito man ay pribado o pampubliko, kakailanganin ang passenger manifest na naglalaman ng bilang ng pasahero at plate number ng sasakyan na pirmado ng driver at inspector sa border control points na itatalaga ng MIATF.

Ang passenger manifest ay ibibigay ng inspector sa unang border control point sa driver at ipapakita naman nito sa pangalawang border point.

Previous articleTrash collectors face new problem amidst pandemic: Used face masks
Next articleIsang asosasyon ng mangingisda sa Port Barton sumailalim sa pagsasanay sa produksyon ng tilapia
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.