No Images found.

Bayan ng Brooke’s Point hindi isasailalim sa lockdown

BROOKE’S POINT, Palawan — Hindi magkakaroon ng lockdown ang bayan ng Brooke’s Point sa kabila nang tumataas nitong kaso ng nag-positibo sa COVID-19. Ito ay inihayag ni mayor Mary Jean Feliciano sa flag ceremony ng lokal na pamahalaan ng bayan noong Lunes, Abril 19.

“Hindi pa kailangan ng lockdown dahil naco-contain naman,” ani Feliciano.

Sa kasalukuyan ay mayroong 15 kaso ng COVID-19 sa bayan na naka-isolate sa quarantine facilities. Nasa 123 ang bilang ng suspect at isa ang maituturing na probable habang patuloy pa rin  ang isinasagawang contact tracing.

“Importante yung honesty dahil kung maging tapat tayo, mas madali nating maco-contain ang virus.  Mas madaling maisagawa ang contact tracing. Pero kung hindi tayo maging tapat, doon tayo magkakaroon ng problema  dahil hindi natin malalaman kung sinu-sino na ang nakasalamuha ng mga nagpositibo,” paliwanag niya.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang serbisyo publiko ng lokal na pamahalaan sa bayan. Mananatili umanong skeleton ang mga empleyado sa LGU at tuloy-tuloy din ang trabaho ng mga nakatalaga sa field.

“Sa mga empleyado ay tuloy ang trabaho. Dito lamang sa opisina ang skeleton pero yong sa labas ay tuloy ang trabaho,” dagdag niya.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry