Bayan ng Agutaya patuloy ang paghihigpit sa mga biyahero

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Agutaya Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) sa mga alituntunin upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan.

Sa inilabas na advisory ng MIATF noong Hunyo 16, pangunahing requirement pa rin ang paggamit ng S-pass ng lahat ng bumibiyahe papasok at palabas ng bayan at ang pag-approve nito ay depende pa rin sa availability ng quarantine facility ng bawat barangay.

Naglabas din ng karagdagang requirement din para sa mga biyahero na pupunta sa bayan simula Hunyo 17 hanggang sa katapusan ng buwan, kabilang ang mga sumusunod:

Sa mga tutungo sa Cuyo at Magsaysay mula sa mainland Agutaya, Diit, Maracanao, at Matarawis, kailangang bumalik sa loob ng 12 oras at sa mga magmumula nama sa mga barangay ng Algeciras at Concepcion, kailangang bumalik sa loob ng 24 oras.

Ang mga lalampas sa itinakdang oras ay kailangan sumailalim sa 14 araw na quarantine kung saan, ang unang pitong araw ay sa pasilidad ng pamahalaan. Sa ikapitong araw ay sasailalim sa antigen test at kapag negatibo ang resulta ay ipagpapatuloy ang nalalabing pitong ng quarantine sa bahay.

Ang mga pupunta naman sa Agutaya na manggagaling sa ibang bayan ng Palawan ay kailangan ng negative antigen test na nakuha sa loob ng 24 oras bago ang biyahe, at sasailalim sa 14 araw na quarantine sa pasilidad ng pamahalaan.

Sa mga mangagaling naman sa labas ng Palawan, kailangan ng negative RT-PCR test result na hindi lalampas sa tatlong araw bago bumabyahe, negative antigen test at 14 araw na quarantine sa pasilidad.

Samantala, ang mga sasakyang pandagat naman na magdadala ng cargo palabas ng Cuyo, Agutaya, Magsaysay area ay kailangang sumailalim sa boat facility quarantine pagbalik ng Agutaya ngunit maaaring hindi tapusin ang 14 araw kung kailangan na bumiyahe ulit. Sa mga cargo na bibyahe sa Cuyo Magsaysay, isang tao lamang ang papayagan bumaba bawat bangka at sasailalim sa antigen testing bawat dalawang linggo.

Mula naman ngayong Hunyo 17, ang antigen testing ay navkakahalaga ng 500 pesos at sasagutin ng biyahero.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry