Sep 24, 2020

Bawal pa rin sa San Vicente ang sabong, pagbubukas ng mga beer house at kaugnay na negosyo

Sabi ni Dangue, maging ang pag inom ng alak sa pampublikong lugar o mga negosyo na may kaugnayan dito ay ipinagbabawal pa rin ang pagbubukas sa San Vicente.

SAN VICENTE, Palawan — Muling nagpaalala ang pamahalaang lokal na patuloy pa rin ang pagbabawal ng sabong, pagbubukas ng mga beer house, at iba pang kaugnay na negosyo dahil sa IATF Resolution 56.

Sa pahayag ni municipal local government operations officer (MLGOO) Rustico Dangue, sinabi niya na hindi pa tinatanggal ang pagbabawal sa ano mang uri ng sugal, lalo na ang pagsasabong. Ang sino man na susuway dito ay haharap sa karampatang parusa.

Sabi ni Dangue, maging ang pag inom ng alak sa pampublikong lugar o mga negosyo na may kaugnayan dito ay ipinagbabawal pa rin ang pagbubukas sa San Vicente.

“Hindi pa lifted ang prohibition sa ano mang klase ng sugal, bawal pa rin po. Yong general provision para sa modified general community quarantine (MGCQ) ng Omnibus rules implementing community quarantine,mahigpit pa ring ipinatutupad,” pahayag niya.

Mahigpit din na ipinagbabawal ang paglabas mga non-authorized persons outside residence o yong mga 21-years-old below at 60-years-old pataas ang edad kung hindi naman “for essential purposes.”

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry