Naiuwi ng Bataraza Central School (BCS) at ng Bataraza National High School (BNHS) ang kampeonato sa drum and lyre competition kaugnay ng ika-59th founding anniversary ng bayan ng Bataraza, araw ng Linggo, Enero 29.

Nasungkit ng Bataraza Central School (BCS) ang kampeonato at ang premyong nagkakahalaga ng P30,000 para sa elementary level.

Itinanghal din silang Best in Performance, Best in Costume at Best in Choreography. Nakuha naman ng Igang-igang Elementary School (IIES) ang unang pwesto at premyong P20,000.00 at Best in Musicality. 

Pumangalawang pwesto naman ang Bono-bono Elementary School na naiuwi naman ang halagang P10,000. Nag-uwi din ng P5,000 consolation prize ang Culandanum Elementary School at Inogbong Elementary School.

Kampeon naman sa secondary level ang Bataraza National High School na nag-uwi ng P40,000 na cash prize. Itinanghal din itong Best in Performance at Best in Costume.

Panalo din sa unang pwesto ang Rio Tuba National High School na may P30,000 na cash prize at pumangalawa naman ang Sumbiling National Highschool na nag uwi ng P20, 000 na cash prize. 

Nakuha din ng Riotuba National High School ang Best in Musicality at Best in Choreography special award. Nakatanggap naman ng P10,000 na consolation prize ang Tarusan National High School

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Dr. Edna Cabuhat, Bataraza District 1, Public School Division Supervisor sa lahat ng mga school competitors na lumahok sa naturang kompetisyon.

“Punong-puno po talaga ang coliseum natin, nagpapasalamat tayo sa lahat, sa LGU officials, at sa lahat ng mga magaaral natin na lumahok para dito,” sabi ni Cabuhat.

About Post Author

Previous articlePamahalaang panlalawigan, magpapahiram ng heavy equipment sa bayan ng Rizal
Next article7,000 mangrove propagules to be planted in this years ‘Love Affair with Nature’
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.