(TRIGGER WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Patay ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki matapos itong mabangga ng kotse sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Calasaguen sa bayan ng Brooke’s Point, alas nueve ng umaga ngayong October 24.

Ayon sa hepe ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) na si Maj. Raffy Esperida, sandali lamang na nalingat ang nanay ng bata mula sa kanilang bahay sa national highway nang makarinig sila ng malakas na kalabog mula sa kalsada.

“Iniwan daw ng nanay sa baba, tapos mamaya maya may narinig na lang sila na malakas na kalabog. Pagbalik nila, nakita na nila ang bata bagsak na sa kalsada. Ang driver naman, sinubukan pang magpreno, pero di na talaga kinaya, bigla ang pagtawid,” ayon kay Esperida.

Dinala sa Leoncio General Hospital ang biktima, ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doctor.

Dinala naman ang sasakyan na Hyundai na Sedan na kulay blue sa Brooke’s Point MPS habang nasa pangangalaga na rin ng pulisya ang 19 na taong gulang na suspek na si Jem Robert Dagunan.

About Post Author

Previous articleDSWD commends 4Ps graduates in MIMAROPA
Next articleDTI notes stable prices of candles as All Souls’ Day nears
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.