Bata Reyes, magpapakitang gilas sa Brooke’s Point

Kaugnay nito ay handa na rin ang mga pulis sa pangunguna ni PSI Bronson Caramto ng Municipal Police Station (MPS) ng Brooke’s Point para pangalagaan ang siguridad ni Bata Reyes. (Photo credit: Google)


Inaasahang darating sa bayan ng Brooke’s Point ang tinaguriang the Magician and Legend of Billiards na si Efren “Bata ” Reyes ngayong Marso 20, 2018.

Kasama niyang darating ang makakatunggali na si Tao Allan ng Western Visayas na isa ring batikan sa larong billiards upang magbigay kasiyahan sa mamayan ng munisipyo sa pagdiriwang ng 13th Pista’y ang Kanyuga’n na gaganapin mula Marso 16-21, 2018.

Ayon kay Sanggunian Bayan Member Edgar Lacandazo, ang nanguna sa pag-anyaya kay Bata Reyes, nag-ambagan sila at iba pang mga lokal na opisyal ng halagang P60,000 upang maanyayahan ang the Magician na magpakita ng gilas sa mga taga-Brooke’s Point.

“Kasama na ang talent fee ni the Magician at round trip ticket nito ay umabot sa P60,000 ang gastos. Para mapunan ito ay nag ambag-ambag kaming mga SB members at iba pang kawani ng LGU para mapasaya ang mamayan ng Brooke’s Point,” ani Lacandazo.

Kaugnay nito ay handa na rin ang mga pulis sa pangunguna ni PSI Bronson Caramto ng Municipal Police Station (MPS) ng Brooke’s Point para pangalagaan ang siguridad ni Bata Reyes.

Inaasahan  rin ang magandang laban ng magkatunggali sa Octagon Town Plaza sa darating na March 21, 2018. Pagkatapos nito ay pagbibigyan din umanong  makatunggali ng the magician ang nais humamon sa galing ng tinaguriang the Legend of Billiards.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...