Oct 1, 2020

Bata, namatay dahil sa lason ng jellyfish o dikya

Sabi niya, hindi matanggap ng tatay ng bata na si Eduardo Torrico ang nangyari. Nangyari kasi ang sakuna sa pamilya habang ito ay nasa laot at nagtatanim ng agar-agar.

QUEZON, Palawan — Dead on arrival sa klinika ang isang apat na taong gulang na batang lalaki kamakailan lang matapos itong kapitan ng dikya o jellyfish habang naliligo sa pampang sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Berong.

Ang batang lalaki ay taga-Sityo Catuayan, Berong, ayon sa pahayag sa Palawan News ni Jenelyn Cariaga, ang auntie nito at tumatayong pangalawang ina.

Ayon kay Cariaga, pasado alas diyes ng umaga noong May 8 ito namatay matapos itong dalhin sa isang private clinic sa Berong.

Sabi niya, tinawag na niya ang bata para kumain kasama ang ate at kuya nito. Sumunod naman ang bata at nagbihis ng damit, pero nang makita na naliligo pa rin ang dalawang kapatid ay bumalik ito sa tubig.

Habang naliligo ay nakapitan ito ng dikya sa mga binti.

“Tapos narinig na lang nila na sumisigaw, kaya nilapitan nila, pati iyong mga ilang naliligo tumulong para lapatan ng pangunang lunas ang binti ng pamangkin ko para lang matanggal ang dikya at maagapan ito,” ayon kay Cariaga.

Sabi niya, hindi matanggap ng tatay ng bata na si Eduardo Torrico ang nangyari. Nangyari kasi ang sakuna sa pamilya habang ito ay nasa laot at nagtatanim ng agar-agar.

Sabi ni Cariaga, noong nakaraang taon lang ay ang asawa nito ang namatay matapos mabaril habang naka-angkas sa kanya sa Alfonso XIII sa bayan din na ito.

Inilibing ang bata Huwebes at walang lamay dahil sa COVID-19.

“Halos po 24 hours bago maimbalsamo ang aming pamangkin dahil sobrang sakit pa ang nararamdaman ni kuya, halos hindi pa siya namin nakakausap. Hirap pa niyang tanggapin ang lahat, pero nandirito kami para buong pusong damayan siya,” ayon kay Cariaga.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry