Isang apat na taong gulang na bata ang nailigtas ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) at 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG) matapos itong malunod habang naglalaro sa tabing dagat ng Luli Island, Honda Bay noong Sabado, Agosto 7.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Palawan News, naglalaro ang bata sa tabi ng dagat noong Sabado ng umaga nang mawala sa paningin ng kamag-anak na nagbabantay sa kanya.

Nakita ng mga naghanap ang bata na nalulunod at naiahon ito habang tumawag agad ng tulong ang pamilya sa Maritime Police at Philippine Coast Guard na nakabase sa Honda Bay.

Agad na binigyan ng initial first aid treatment ang bata saka ito dinala isang pagamutan sa Lungsod ng Puerto Princesa.

- Advertisement -

Previous articleDOT to prioritize frontline tourism workers in 3 Palawan towns
Next articlePalawan Pawnshop keen to donate vaccines to partner LGUs nationwide
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.