File photo from Palawan Provincial Information Office

Isinagawa kailan lang ang Basic Training Course on Provincial Community ALS Implementers ng Alternative Learning Service (ALS) sa ilalim ng programa ng Department of Education (DEpEd) na ginaganap sa GSO Conference Hall sa Capitol Compound na sinimulan noong March 15 at magtatapos ngayong araw, Marso 17.

Pinangangasiwaan ito ng tanggapan ni Board Member Winston G. Arzaga. Nasa 22 na provincial community ALS implementers mula sa mga bayan ng Roxas, Taytay, Dumaran, at Araceli, ang mga dumalo dito.

Ayon kay Arzaga, layunin nito na mas mapaigting pa ang kaalaman ng mga ALS implementers sa lalawigan upang mas mahusay na maisakatuparan ang mga programang ipinatutupad tungkol dito at mas mapalawak pa ang mabibigyan ng benepisyo nito.

Aniya, taong 2010 pa niya isinulong ang programang ito na layong mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapagtapos ng elementarya at sekondarya partikular ang mga nasa liblib na lugar sa lalawigan.

“Ang programang ito ay isinulong ko noong 2010, naputol lang ito noong 2013. Marami ang hindi nakapagtapos ng high school, ang mga paaralan noon ay malayo, pupunta pa ng bayan. Marami ang hindi nabigyan ng pagkakataon na mag-aral at ang iba dahil na rin sa kahirapan,” ani Arzaga.

About Post Author

Previous articleICMA relaunches student chapter at PSU
Next article78 cases of hand, foot, and mouth disease recorded in Puerto Princesa City